Ngayong National Teachers’ day, tampok namin si Teacher Gerry Rivas na doble kayod sa pagtuturo hindi lang sa mga estudyante kundi sa mga kapwa guro at magulang din. Layunin niyang mapalawig ang kaalaman sa pagtuturo ng mga kapwa guro at mapaalalahanan sa pag-aalaga ang mga magulang sa kanyang ‘Parenting 101’ initiative.