AdvocatesTV • June 11, 2020

Arnel Pineda, may bagong awitin para sa COVID-19 frontliners

Photo Credit: Arnel Pineda Instagram Account
MANILA – May bagong awiting inilabas ang international singer na si Arnel Pineda.

Sa ilalim ng DNA Music, ibinahagi ni Arnel ang nilikha niyang awiting “Your Soldiers” na handog niya sa coronavirus (COVID-19) frontliners.

Ang awit ay nagbibigay pugay sa mga bagong bayani na inaalay ang kanilang buhay para makapaglingkod sa kapwa sa kabila ng banta ng pandemyang sakit.

Paraan ito ni Arnel para hikayatin ang lahat na magkaisa sa kabila ng krisis.

Si Arnel din ang naglapat ng tunog ng “Your Soldiers” na inareglo ni Gabriel Tagadtad. Si Jonathan Manalo ang prodyuser na siyang creative director ng ABS-CBN Star Music.
 
Simula 2007 ay kinilala si Pineda bilang bokalista ng sikat na American rock band na Journey.

Kamakailan lang ay naging bahagi si Pineda at ang banda sa “Won’t Stop” benefit show ng UNICEF para sa mga naapektuhan ng COVID-19.

Ang bagong awitin ni Pineda na “Your Song” ay maaring mapakinggan sa iba’t ibang digital platforms.
Share by: