AdvocatesTV • May 19, 2020

‘Bawal Lumabas’ na awitin ni Kim Chiu, trending

Photo Credit: Kim Chiu Instagram Account
MANILA – Muling nag-trending ang aktres na si Kim Chiu, maging ang pinakabago niyang music video para sa awiting “Bawal Lumabas (The Classroom Song).

Wala pang 24 oras mula nang ilabas ito online ay pumalo na sa higit 1 milyon ang mga nakapanood nito. 

Matatandaang nagmula ang bagong awitin ni Kim sa kontrobersiyal niyang pahayag sa “Laban Kapamilya” online protest noong Mayo 8 nang magbigay siya ng kanyang suporta sa ABS-CBN, ilang araw matapos itong ipasara ng National Telecommunications Commission noong Mayo 5. 

Matapos ang kanyang pahayag kung saan inihambing niya ang pagsasara ng network sa nangyayari sa classroom o silid-aralan, agad itong umani ng pambabatikos.

Aminadong nalito mismo sa kanyang pahayag, agad ding humingi ng paumanhin ang aktres. 
 
Dahil nasaktan at naapektuhan sa mga pambabatikos, ilang araw nagpahinga mula sa social media si Kim.

At nitong Lunes, Mayo 18, sinorpresa ni Kim ang kanyang mga tagahanga sa paglabas niya ng “Bawal Lumabas (The Classroom Song).

Ginawa ito ni Kim sa inspirasyon at tulong nina Adrian Crisanto na nag-viral ang open letter para sa Kapamilya actress nang ipayo nitong gawing positibo ang mga negatibong nangyayari, at gayun din si DJ Squammy na siyang gumawa naman ng remix ng ‘Bawal Lumabas” na sumikat at naging dance challenge pa sa “Tiktok.” 

Sa Instagram ni Kim nitong Martes, Mayo 19, ibinahagi niya ang kasiyahan sa tagumpay ng “Bawal Lumabas (The Classroom Song).”

“𝗕𝗘𝗦𝗧 𝗚𝗜𝗦𝗜𝗡𝗚 𝗘𝗩𝗘𝗥!!!!!! 💗💗💗. 𝗚𝗢𝗢𝗗 𝗠𝗢𝗥𝗡𝗜𝗡𝗚 𝗖𝗟𝗔𝗦𝗦𝗠𝗔𝗧𝗘𝗦!🛎 That feeling na nagising ka trending ka ulit, kinahaban ako. Pero nung nabasa ko, para akong nagising sa isang bangungot!!! Gusto ko pong magpasalamat sa lahat!!! ❤️. Things may put you down pero tayong mga pilipino hindi natin nakakalimutan tumawa sa gitna ng pinagdadaanan natin. Mahilig tayong tumambay pero hindi sa problema,” ani Kim sa caption ng kanyang post.

“Salamat sa lahat ng nagbigay inspirasyon sakin. Lets spread love, kindess and positivity. Good vibes lang ang pwede sa classroom! Tama? Tama!!!!😉👍🏻🛎 special thank you sa lahat ng taong nasa likod nito!❤️ maraming salamat mahal ko kayo❤️ . This lyrics by adrian got me. ‘𝙤𝙝 𝙣𝙤 𝙮𝙤𝙪 𝙘𝙖𝙣'𝙩 𝙨𝙝𝙪𝙩 𝙢𝙚 𝙙𝙤𝙬𝙣. 𝙞𝙡𝙡 𝙗𝙧𝙚𝙖𝙠 𝙛𝙧𝙚𝙚 𝙗𝙤𝙪𝙣𝙘𝙚 𝙗𝙖𝙘𝙠 𝙛𝙧𝙤𝙢 𝙩𝙝𝙚 𝙜𝙧𝙤𝙪𝙣𝙙. 𝙈𝙖𝙮 𝙣𝙖𝙩𝙖𝙩𝙖𝙣𝙜𝙞 𝙩𝙖𝙮𝙤𝙣𝙜 𝙗𝙖𝙩𝙖𝙨. 𝙉𝙖𝙡𝙞𝙡𝙞𝙢𝙪𝙩𝙖𝙣 𝙣𝙖𝙩𝙞𝙣 𝙢𝙖𝙙𝙖𝙡𝙖𝙨. 𝙈𝙖𝙝𝙖𝙡𝙞𝙣 𝙢𝙤 𝙖𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙥𝙬𝙖 𝙢𝙤. (𝙠𝙪𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙣𝙤 𝙢𝙤 𝙢𝙖𝙝𝙖𝙡𝙞𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝙨𝙖𝙧𝙞𝙡𝙞 𝙢𝙤.).’𝐁𝐚𝐰𝐚𝐥 𝐋𝐮𝐦𝐚𝐛𝐚𝐬 (𝐓𝐡𝐞 𝐜𝐥𝐚𝐬𝐬𝐫𝐨𝐨𝐦 𝐬𝐨𝐧𝐠) Will be available in digital platforms this weekend!!!,” dagdag pa ni Kim.
Share by: