AdvocatesTV • April 21, 2020

Gary V at iba pang bituin, kontra fake news

Source: Gary Valenciano Instagram

MANILA — Nagsasama-sama ang ilang mga bituin para labanan ang pagpapakalat ng fake news o pekeng balita sa gitna nitong krisis ng COVID-19.

Sa kampanyang #StopFakeNews, pinangunahan ni Gary Valenciano at iba pang bituin, tulad nina Miriam Quiambao at Donita Rose, ang isang infomercial laban sa pagpapakalat ng mali o walang katotohanang impormasyon.

Nagbigay sila ng payo kung paano maiiwasan ang pagpapakalat ng pekeng balita, kabilang na rito ang pag-alam kung lehitimo ang pinanggagalingan ng impormasyon na nabasa o natanggap, at ang paguusisa kung nanggaling nga ba ang impormasyon sa lehitimong organisasyon o eksperto sa medesina.

Nitong Abril 7 ay pinalawig pa ang enhanced community quarantine sa Luzon bilang paglaban sa COVID-19.

Sa infomercial, pinaalalahanan din ang publiko na kung hindi sigurado sa impormasyong natanggap o nabasa ay huwag na itong ipamahagi pa sa iba.

“Be an instrument of hope in the midst of confusing times. Do your share and be what I believe we all can be: Responsible Filipinos. Stop spreading fake news,” ani Gary sa post niya tungkol sa naturang kampanya.

Maliban sa hindi pagpapakalat ng pekeng balita, nanawagan din ang mga bituin sa madla na maging responsable at magpaabot ng tulong sa mga nangangailangan
Share by: