AdvocatesTV • June 5, 2020

Kim Chiu, walang nilabag na batas trapiko ayon sa MMDA

Photo Credit: Star Magic Instagram Account
MANILA – Walang nilabag na batas trapiko ang aktres na si Kim Chiu, matapos mag-viral ang video ng kanyang pagsasayaw ng “Bawal Lumabas” sa labas ng kanyang sasakyan.

Kumalat ang isyung pagsayaw ni Kim sa gitna diumano ng trapik sa EDSA.

Iginiit ni Kim na “fake news” ang isyu dahil sa isang parking lot ng isang kainan kinunan ang video.

Sa pahayag naman na nilabas ng Star Magic nitong Huwebes, sinabi nitong nagkausap na si Kim at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) general manager Jojo Garcia gamit ang Zoom tungkol sa nasabing insidente. 

Anila, naipaliwanag ni Kim kay Garcia kung saan nakunan ang video at sinabing walang aksiyon na gagawin ang MMDA laban kay Kim dahil sa wala naman itong nalabag na alituntunin.
 
Narito ang naging pahayag ng Star Magic: “This morning, Kim Chiu had a brief online meeting with MMDA General Manager Jojo Garcia following her viral 'dance video.' Kim initiated the meeting where she explained that the controversial video was not taken along EDSA but in a parking lot adjacent to a road. Kim also clarified that the car is not moving when the 5-seconder video was taken. MMDA accepted Kim’s explanation and although SHE DID NOT COMMIT ANY TRAFFIC VIOLATION with her act, GM Garcia still reminded her to always adhere strictly to traffic rules and regulations.”

Sa kanya namang Instagram post, nagpasalamat si Kim sa pangasiwaan ng MMDA dahil sa naliwanagan na ang isyu.

Nakiusap din muli si Kim na itigil na ang pagpapakalat ng maling balita o fake news.

“Thank you to GM Jojo Garcie for giving me a few minutes of your time early this morning. My team and I initiated the quick interview just to clear both sides to that 𝗙𝗔𝗞𝗘 𝗡𝗘𝗪𝗦 that is going around social media. It is clearly stated that 𝗡𝗢 𝗩𝗜𝗢𝗟𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 was done. To people, please stop spreading fake news. This is a hard time for all of us. Ang daming pinoproblema ng MMDA ngayon. GCQ na. There are people who need proper information and not fake news. Mas maraming balita po ang mas kailangan pag-tuunan ng pansin rather than spread false stories and call the attention of the MMDA. Wag ganun classmates. Marami silang problema ngayon. Let’s focus on ourselves, to stay healthy, strong and never lose hope and faith. 🙏🏻 #bawallumabas #NOtoFAKENEWS,” ani Kim.
 
Matatandaang ang “Bawal Lumabas (The Classroom Song) ay nabuo matapos na humarap sa pambabatikos si Kim dahil sa emosyonal at nakakalito niyang pahayag sa isang online protest nang ipasara ng National Telecommunications Commission ang ABS-CBN noong Mayo 5.