AdvocatesTV • April 28, 2020

Lea Salonga, nagbalik bilang ‘Princess Jasmine’ sa Disney ‘Storytime’

Photo from  Lea Salongas’ Instagram Account
MANILA — Muling nagbalik si Lea Salonga bilang si Princess Jasmine sa pinakabagong episode ng “Storytime,” isang online series mula sa Walt Disney Animation Studios.

Tampok sa “Storytime” ang pagbabasa ng mga sikat na personalidad ng mga kilalang pambatang aklat o children’s book.

Kabilang sa mga bituin sa Hollywood na nagbasa na para sa “Storytime” sina Jeff Goldbum, Ginnifer Goodwin at John Stamos.

Bago pa man magbasa ng libro ay ipinakilala ni Lea ang sarili sa pamamagitan ng pag-awit ng ilang linya mula sa “A Whole New World.”

“Hi everybody this is Lea … I’m the singing voice of Princess Jasmine in Aladdin. So today since all of us are at home, I thought it would be a great idea to have all of us gather around a really, really cool book and this is what I have. It’s ‘5 Minute Princess Stories’ and from this book I’m going to read ‘A Proper Princess’, which is a Jasmine story. So here we go,” ani Lea bago sinimulan ang pagbabasa ng aklat.

Tinaguriang “Disney Legend” si Lea na nakilala sa pagpapahiram ng kanyang boses bilang si Princess Jasmine sa animated movie na “Aladdin.”

Siya rin ang bumoses sa bidang karakter sa pelikulang “Mulan.”

Maliban kay Lea, ilan din sa bumoses sa mga prinsesa ng Disney ay naitampok na rin sa “Storytime”, tulad nina Jodi Benson (Ariel), Paige O'Hara (Belle) at Auli'i Cravalho (Moana).
Share by: