AdvocatesTV • April 23, 2020

Mga bituin, sanib-puwersa kontra climate change

MANILA — Para sa ika-50 anibersaryo ng Earth Day, nagsanib-puwersa ang ilan sa mga sikat na bituin para hikayatin ang madlang makiisa sa paglaban sa pagbabago ng klima o panahon (climate change).

Pinangunahan ito nina Iza Calzado, Dingdong Dantes at Piolo Pascual sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga dapat gawin o “climate actions” para maisalba ang mundo sa krisis.

Kabilang sa mga hakbang ay ang pagtitipid sa enerhiya, pagbili ng sapat lamang na mga kailangan at pagtitipid ng tubig. 

Iba pang mga paraan, ayon na rin sa mga bituin, ay ang paggamit ng solar energy, pagtatanim ng mga puno’t halaman, at pag-iwas sa paggamit ng single-use plastic.

Huwag na huwag din kalimutan, anila, ang 3Rs o ang reduce, reuse at recycle ng basura.

“#EarthDay2020 ..my commitment...Being aware of My environment and its needs.. Conserving energy, electricity.. reducing carbon emission... not to use plastic esp single used plastic.. buying only essential stuff to reduce damage to our natural resources, to practice Zero waste management starting with my household.. planting more seeds for trees and plants to grow around us.. being conscious of a new way of living that is in harmony with Nature...What’s yours?,” ani Piolo sa kanyang Instagram post.

Kabilang din sa nakiisa para labanan ang climate change ay ang mga bituin na sila Joel Torre, Janine Gutierrez, Jugs Jugueta, Xia Vigor at Antoinette Taus.

Makikita ang mga “climate actions” ng mga sikat na bituin para labanan ang climate change sa https://www.instagram.com/earthdayph/ ang opisyal na Instagram page ng Earth Day Philippines.

Share by: