AdvocatesTV • May 15, 2020
Allan K, nagluluksa sa pagpanaw ng kapatid

Photo Credit: Allan K Instagram Page
MANILA – Sa gitna ng enhanced community quarantine dala ng pandemikong coronavirus (COVID-19), nagluluksa ngayon ang komedyante at host na si Allan K.
Sa kayang Instagram post nitong Huwebes, Mayo 14, ibinahagi ni Allan K na pumanaw na ang kanyang nakababatang kapatid na lalaki.
Hindi naman nagbigay si Allan ng iba pang personal na detalye hinggil sa kanyang kapatid at kamatayan nito.
"The good Lord will take care of you in heaven. Rest well BUNSO. Your manong Allan will always miss you. I love you so much. Ngayon pa lang namimiss na kita eh... bye for now. Regards to nanay and tatay in heaven..." ani Allan sa kanyang post, kung saan ibinahagi din niya ang larawan ng kapatid.
Sa comment section ng post, bumuhos naman ang pakikiramay ng mga tagahanga, kaibigan at kasamahan sa showbiz ni Allan K.
Ilan sa nagpaabot ng pakikiramay ay sila Jaya, Pops Fernandez, EA Guzman, Aiko Melendez at kapwa komedyante na si Ruby Rodriguez, na kamakailan lang ay nagluksa din sa pagpanaw ng kanyang kapatid namanggagamot.