AdvocatesTV • April 27, 2020

‘Arturito’ ng ‘Money Heist’, may espesyal na mensahe sa Pinoy fans

Photo from  Enrique Arce’s Instagram Account
Nagpaabot ng pasasalamat ang Spanish actor na si Enrique Arce sa mga Pilipinong sumusuporta at nanonood ng sikat na seryeng Netflix na “Money Heist” o “La Casa de Papel.”

Sa ngayon ay nasa ika-apat na yugto na ang serye tungkol sa pangkat ng magnanakaw na pinamumunuan ni “Professor” at pinasok nila ang Royal Mint of Spain upang maglimbag ng salapi.  

Sa serye, ginampanan ni Arce ang karakter ni Arturito. 

Sa kanyang post sa Instagram, ibinahagi ni Arce ang isang video clip kung saan ipinahatid niya ang kanyang mensahe at pasasalamat sa mga Pinoy fans.

“Hey! Hi! How are you doing? This is Enrique Arce. Arturito in Money Heist La Casa de Papel and this message is especially dedicated for the people in the Philippines. I’ve been getting a lot of messages asking for a shoutout, personal shoutout for the country that supports as so well. That’s what I’m doing,. I really want to commend you for loving the show so much,” ani Arce.

Dagdag ng aktor: “I know we’ve become number one over there. It’s so fascinating to know that the show has travelled so far and so well. I’m sorry I don’t speak Tagalog but I want to say in my name and in the name of all my collegues: ‘sa aming mabubuting kaibigan sa Philippines, maraming salamat. We love you. Bye.” 

Sa caption naman ng kanyang video post, muling iginiit ni Arce ang pasasalamat sa mga kaibigan ng “Money Heist” sa Pilipinas.

“To all the friends of La Casa de Papel (Money Heist) in the Phillipines! THANK YOU ❤️ #gratitud #lacasadepapelphillipines #moneyheistphillipines,” ani Arce.

Matatandaang ipinakita rin ng produksyon ng “Money Heist” ang pasasalamat sa mga Pilipino nang ipakilala nila ang karakter na pinangalanan nilang Manila.