AdvocatesTV • June 4, 2020

Charo Santos-Concio, proud sa pagiging Pilipino ni Gabby Lopez III

Photo Credit: Charo Santos Instagram Account
MAYNILA – “Proud of you.” Ito ang mensahe ni Charo Santos-Concio kay ABS-CBN chairman emeritus Eugenio “Gabby” Lopez III.

Si Santos-Concio ang kasalukuyang chief content officer ng ABS-CBN.

Sa kanyang Instagram, ipinakita ni Santos-Concio ang suporta kay Lopez, na humarap sa pagdinig ng Kamara nitong Mierkoles, ika-3 ng Hunyo, tungkol sa renewal ng prangkisa ng Kapamilya Network, na ipinasara ng National Telecommunications Commission noong Mayo 5.

Giit ni Santos-Concio, isang tunay na Pilipino si Lopez, na matagal na niyang kilala: “I’ve known this man for a long time... Dugo, Isip at Puso ay Pilipino. Proud of you, Gabby.”

Sa pagdinig sa Kamara, pinagtibay ni Lopez ang kanyang pagka-Pilipino.

Sinalamin ni Santos-Concio ang pahayag ni Lopez gamit ang mga hashtag na #KapamilyaForever, #IbalikAngABSCBN at #GabbyLopez: “I know in my heart I am a Filipino... I live and I will die as a Filipino.”

Maliban sa kanyang nasyonalidad, diniin ni Lopez ang pagiging tapat niya sa bansa at bilang Pilipino: “I stand by my record over the last 35 years. I have been committed to the people of this country. It’s a trust that has been passed on to me by my father and by his father before him…

“It’s a trust that has been given to me and, in fact, I always tell our employees, dito sa ABS-CBN po, it’s not just a job, it’s a calling. So please, if you’re going to look beyond the technicality and talk about my allegiance, please look at my record over the last 35 years po,” ani Lopez sa pagdinig sa Kamara.

Share by: