AdvocatesTV • June 18, 2020
Coney Reyes, ibinahagi ang cute photos ni Vico Sotto

Photo Credit: Coney Reyes Instagram Account
Isang nakakatuwang pagbati para sa ika-31 kaarawan ng kanyang anak na si Vico Sotto ang ibinahagi ng aktres na si Coney Reyes nitong Miyerkoles, Hunyo 17.
Sa Instagram, ibinahagi niya ang mga cute na larawan ng anak na kinagiliwan ng netizens at mga tagahanga ng batang alkalde ng Pasig City. Sa caption ng kanyang post, isang makatunaw-puso naman ang naging mensahe ng aktres sa anak nila ng dating nakarelasyon na si Vic Sotto.
"Pangpa- Happy Birthday photos 6-17-2020 ❤️❤️❤️ @vicosotto Happy Birthday!!! 😃🥰🎉 I will always be here praying for you, helping you in any and every way I can. I love you so much, son! I praise and thank God for you everyday 🙏," ani Coney.
Samantala, para sa kanyang kaarawan, hiniling ni Vico sa mga taga-suporta na imbes na siya ay bigyan ng regalo ay bumili na lamang ang mga ito ng pagkain o grocery foodpack na ipapamahagi sa mga nangangailangan.
Sinabihan niya rin ang mga empleyado na huwag mag-organisa ng party para sa kanyang kaarawan bilang pag-iingat sa COVID-19. "Papunta na po akong opis ngayon. May binabalak kayo itigil niyo na 'yan!" ani Vico sa kanyang Twitter.