Sanib-puwersa ang mga beterano at baguhang komedyante sa pagbibigay aliw ngayong COVID-19 enhanced community quarantine.
Sa pangunguna ng mga sikat na komedyanteng sina Vhong Navarro, Janno Gibbs, Ai Ai delas Alas, at dating alkalde ng Quezon City na si Herbert Bautista ay nabuo ang “COVIDyante.“
Ang “COVIDyante“ ay grupo ng tinatawag nilang mga “COVIDians” na magbibigay ng aliw, impormasyon at suporta ngayong panahon ng krisis.
Gamit ang #punchlinersforfrontliners, isang bagong hamon o online challenge ang sinimulan ng grupo kung saan hinihikayat nila ang kapwa nilang komedyante na magbigay ng kanilang pasasalamat sa mga frontliner na ibinubuwis ang buhay para patuloy na makapag-serbisyo sa gitna ng banta ng coronavirus.
Si Bautista ang unang gumawa ng hamon sa pamamagitan ng video na nagpapakita ng kanyang pasasalamat sa mga COVID-19 frontliners.