AdvocatesTV • April 22, 2020

Ogie Alcasid naglabas ng bagong awitin sa gitna ng krisis sa COVID-19

Photo from Ogie Alcasid’s Instagram page

Isang bagong awitin ang inilabas ng aktor, mang-aawit at kompositor na si Ogie Alcasid para magbigay inspirasyon ngayong panahon ng “enhanced community quarantine” dahil sa novel coronavirus (COVID-19).

Sa ilalim ng Star Music, may pamagat itong “Live for Jesus,” at kasama ni Ogie sa kanyang bagong awitin ang asawang si Regine Velasquez.

Tampok din sa awitin ang matalik nilang kaibigan na si Jaya at asawa nito na si Gary Gotidoc.

Ayon kay Ogie, isinulat niya ang awitin ilang taon na ang nakakaraan pero hindi niya inakalang magkakaroon ito ng kaugnayan sa krisis na nangyayari ngayon, hindi lang sa bansa kundi sa iba pang panig ng mundo.

“Live For Jesus. Friends, here is a song that i wrote a few years back and did not realize how it could be so relevant to our present struggles. …,” ani Ogie. Dagdag niya: “I hope this inspires all of you. God bless you!” 

Samantala, isa rin sa ipinagpapasalamat ni Ogie ay ang kaarawan ng kanyang asawang si Regine Velasquez. Ngayong Miyerkoles ay ipinagdiriwang ng Asia’s Songbird ang kanyang ika-50 kaarawan.

Sa mensahe niya para sa kanyang asawa, muling ipinahatid ni Ogie ang kanyang pagmamahal kay Regine.

“My Beloved who is most beautiful even at her simplest. It is your special day today and i wish you all the joy, peace and love that the the entire universe can offer. Go and keep shining for Jesus baba. You are and will always be my eternal and I love you with all my heart. Happiest birthday and may God bless you and keep you, the Lord make his face shine upon you and be gracious to you. The Lord lift his countenance upon you and give you peace. ❤️❤️❤️🙏🙏🙏🎂🎂🎂🎂🎂🎂🎂🎂🎂🎂 @reginevalcasid,” ani Ogie.
Share by: