Photo Credit: Ramon Bong Revilla, Jr. Instagram Account
MAYNILA – Masusing inoobserbahan ngayon ang kalagayan ng batikang aktor at dating senador na si Ramon Revilla Sr. matapos itong maisugod sa pagamutan nitong Linggo, Mayo 31.
Sa naunang pahayag na inilabas ng anak nitong si Senador Bong Revilla Jr. sa Facebook, sinasabing hirap sa paghinga ang dahilan kung bakit nila dinala sa ospital si Ramon.
Nagsilbi bilang senador si Ramon mula noong 1992 hanggang 2004.
Bilang aktor, kilala si Ramon sa kanyang mga pelikulang pantasya at aksiyon tulad ng “Pepeng Agimat” at “Nardong Putik.”
“Ako po ay nagpapasalamat sa lahat ng mga nagdasal at nagpaabot ng kanilang pag-aalala at panalangin para sa aking ama, dating Senador Ramon Revilla, Sr. At around 6 PM tonight (31 May 2020), I rushed my father to the hospital. He was hard of breathing and was somewhat unresponsive. From St. Dominic Medical Center where he was given First Aid and Emergency Medical Services, he was transferred to St. Luke's Medical Center-Global City where he is now undergoing treatment. Kasalukuyan po siyang nakakabit sa ventilator, but thank God, he is now conscious and responsive. Patuloy po kaming humihiling ng inyong panalangin para muli niyang malampasan itong kanyang karamdaman,” ani Bong.
Samantala, sa pinakahuling post ni Bong nitong Lunes ng umaga, Hunyo 1, inamin niyang nasa kritikal na kondisyon ang kalagayan ng ama. Hiling din niya ang patuloy na panalangin para sa kanyang ikagagaling.
“Thank you for your continuous prayers. Daddy is still in critical condition and will be under strict observation for the next 48 hours. Hiling po namin ang inyong patuloy na panalangin para kay Daddy at sa aming pamilya ๐๐๐,” ani Bong.